Pagbubukod at Pagbabakod: Pananaw sa Diskriminasyon

Kapag nabuhay ka sa Europa noong kapanahunan ng Pangalawang Digmaang Pandaigdig, maaari kang maging bilanggo, o taga-bilanggo. Maapi, o maging mang-aapi. Mapatay, o maging taga-patay. Nakabatay sa iyong lahi ang pagtukoy kung alin ka sa dalawa. Hinubog ng pangyayaring ito ang kasaysayan at matapos nito, nagsimula ang maraming pagbabago tulad ng pagbunga ng karapatang pantao[1] sa lipunang pandaigdaig na sa hanggang ngayon ay nakikita pa rin, ngunit may mga ibang suliranin pa ring nananatili. Lakbayin natin ang panahon noong 1943, kung saan napasailalim sa kapangyarihang Nazi ang halos lahat ng mga estadong malaya at malakas sa Europa[2].

 

german children have more privilege.png
Pribilehiyo ng mga batang Aleman
ignorance of children.png
Kawalang-malay ng kabataan sa mga pangyayari sa lipunan

Nagsimula ang kuwento ng pelikulang The Boy in The Striped Pajamas ­kay Bruno. Hilig niyang lumibot at tumuklas ng mga bagong lugar dahil sa kahiligan niya sa mga librong abentura. Bilang anak ng komandanteng Aleman, masaya at magarbo ang pamumuhay niya kasama ang kanyang mga kaibigan at pamilya sa Berlin. Nagbago ang lahat ng iyon nang lumipat sila ng tirahan patungong Auschwitz[3], na nakapuwesto sa Poland. Sa panahong iyon, hindi makatarungan ang pagtrato ng mga Aleman sa mga Hudyo. Ngunit, ang batang si Bruno ay walang pinipiling kaibigan–ang mahalaga, tao sila. Ang pagkawalang-muwang at pagkawalang-malay ni Bruno ang naging hudyot ng kanyang pagkamatay, sa loob ng gas chamber, dahil ninais niyang tulungan ang kanyang Hudyong kaibigan na si Schmuel hanapin ang kanyang ama. Dalisay ang pakikitungo ng mga bata sa tao at hindi sila naglalagay ng tatak sa mga tao, kung kailan magbibigay ng respeto o hindi.

 

jew children and their outfits
Batang Hudyo na si Schmuel at ang kaniyang kasuotan na  “padyama”
barbed-wire-electrical-fence-at-auschwitz-concentration-camp-poland-kh3rg5.jpg
https://www.google.com.ph/search?q=gas+chambers+sa+holocaust&rlz=1C1CHZL_enPH809PH810&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjRmY_kycrdAhWByLwKHQVIAw8Q_AUIDigB&biw=1280&bih=579&dpr=1.5#imgrc=1sEajC1Pu3BbcM:
Sa isang bahagi ng pelikula ipinakita na si Schmuel ay nasa loob ng bakuran ng Auschwitz, at tinanong ni Bruno si Schmuel:

“What have you done?” (Ano ang ginawa mo?)

 

Sagot naman ni Schmuel:

 

“I’m a Jew.” (Isa akong Hudyo.)

 

response of a jew to a german soldier
Reaksyon ng Hudyo sa tawag ng isang sundalo
the life of a jew before the germans invaded
Buhay ng Hudyo sa Europa bago ang Nazi

Tinanong din ni Bruno kung bakit naka-padyama si Schmuel at ang mga kasama nito sa kampo. Hindi alam ni Bruno na ito ang uniporme ng mga bilanggo sa Auschwitz. May mga numero rin sa dibdib ng damit ng kada-Hudyo, at inakala niya na naglalaro lamang sila. Madungis ang hitsura ni Schmuel, bungi ang ngipin, at halatang walang kain. Makikita sa tagpong ito na itinatrato sila na parang hayop na pinagtatrabaho hanggang sa mawalan ng bisa at pinapatay na lamang. Madalang ang pagpakain sa kanila at pinagpupumilit ng mga sundalo na isiksik ang mga Hudyo sa mga silid-tulugan na kulang na kulang sa espasyo. Sa pagpapakita ng pagkakaiba ng pamumuhay ng mga Aleman at Hudyo, napakikita ang pribilehiyo ng mga taong mayaman at ang kahirapan ng mga bilanggo sa panahon ng digmaan.

ohya go digong
https://2static.fjcdn.com/pictures/Du30+did+nothing+wrong+your+favorite+third+world+president+is_690235_6045143.jpg

 

jewish children and adults get transported to camp
Paghatid ng mga bata at at mga nasa gulang sa kampo

Kaugnay din sa diskriminasyon at kawalang-galang sa karapatang pantao ay iyong tagpo rin ng pagbibigay ng maayos na libingan para sa lola ni Bruno, kung saan ikinamatay niya ang pagbobomba sa Berlin ng mga Allied forces dahil sa digmaan, samantalang ang tatay ni Schmuel, ipinasok “daw” sa ospital, at hindi na inilabas, nangangahulugang pinatay na ito. Ipinapakita rito ang malinaw na pagkakaiba ng mga Aleman at Hudyo sa panahong iyon. Tao ang isa, at hayop sa kabila. Umiyak ang asawa ng komandante nang malaman ang ginagawa sa mga Hudyo sa kampo, at ipinilit niyang pigilan ang asawa niya sa kanyang gawain bilang komandante, pero dahil babae siya, at walang kapangyarihan ang mga babae noong panahong iyon, binalewala lamang ang kanyang hiling. Kung ikokonekta naman ang pangyayari noon sa Europa sa pamamahala ni Duterte sa Pilipinas ngayon, masasabi natin ang asawa ng komandante ang karamihan ng mga tao na umiyak at lumaban para sa mga taong namaltrato at napatay dahil sa laban sa droga, hindi nabigyan ng tamang paglilitis, at pinatay na lamang. Ikinumpara nga si Pangulo Digong kay Adolf Hitler dahil sa paraan niya ng paglutas ng problema sa bansa at sa paraan ng pagiging diktador. Taong radikal sila kaya’t sukdulan ang pagbabago, hindi nga lamang nasusunod sa moralidad. Sa loob ng labing-dalawang taon, pumuksa si Hitler ng anim na milyong[4] mga Hudyo, habang dalawampung libong[5] nasabing adik sa droga naman ang napuksa ni Duterte sa loob ng dalawang taon niya sa administrasyon.

bandwagon due to brainwashing
Bandwagon dahil sa brainwashing
transition of a child due to politcal environment
Pagbabago ng bata dahil sa kapaligirang politikal

Mayroon ding koneksyon sa ibang pamamahala sa ngayon ang pamamahala sa pelikulang ito. May mga bahagi ng pelikula na tinuturuan sila ng kanilang guro na masama ang mga Hudyo at sila ang rason kung bakit naghirap ang Alemanya, at iba pang mga sitwasyon kung saan pinapakain sila ng mga masasamang isipan tungkol sa mga Hudyo, na kadalasan ay nakabatay sa mga lumang kasabihan[6] lamang. Napalalaganap ito sa iba’t ibang palabasan, kaya nanuot sa puso’t isipan ng mga Aleman na tunay ngang masama ang lahing Hudyo. Tinatanggap naman ito nang walang pagdadalawang-isip dahil ito ang iniisip ng karamihan. Tinatawag itong bandwagon, ang pagsali sa paniniwala ng iba nang hindi pa alam ang rason sa ilalim ng paniniwalang ito. Sa pamamagitan ng pagpapalaganap, napagtibay ang mga haka haka, at ito ang ginamit ng mga Nazi upang mapanatili nilang malinis ang kamay nila, habang nasasabing sila ay gumagawa ng nakabubuti para sa bayan. Layunin ni Hitler na mapurga ang mga Hudyo sa Europa dahil mababang lahi o inferior race raw sila. Ang mga Aryan lamang[7] daw ang dapat mabuhay sa Europa. Ang pagbabahagi ng ganitong klase ng impormasyon ang makawawasak sa imahe ng kahit anumang lahi, tulad ng publikong paghayag ni Donald Trump na ang paraan para magawang dakila muli ang Amerika ay ang pagluwa nito sa mga dayuhan tulad ng mga Mexicans, Black Americans, Asians,[8] at iba pa. Sa paglaganap ng pahayag na ito, marami ang nagalit sa kanya at itinuring siyang pinakamalubhang pangulo sa kasaysayan ng Estados Unidos[9], at marami ang humihingi ng pagbabago sa kanyang mga patakaran dahil marami sa mga dayuhan sa Estados Unidos ay nangangailangan ng tulong at lumikas papunta doon para makapag-hanapbuhay at maging malaya.

Ang mensahe ng The Boy in The Striped Pajamas ay ang dapat na pantay na pagtrato sa mga tao, maging ano man ang kanilang hugis, hitsura, o kulay. Dapat respetuhin ang bawat tao hindi dahil sa panlabas na katangian, kung ‘di dahil sa mismong kaalaman na may pag-iisip at kamalayan rin sila tulad natin. Maaari ang pagpatay kay Bruno ang pagkadilat ng komandante sa isipan na kung gaano kaimportante ang bawat buhay na kinikitil, at napakita rin mula sa pananaw ni Bruno na ang bawat tao may kahalagahan dahil ang katawan ay sisidlan lamang ng kaluluwa ng mga taong may malawak na karanasan, mabuting kalooban, at sariling konsiyensiya. Pinaliliit lamang ng kung sino man ang kanyang mundo kapag ginawa niyang hadlang ang hitsura at lahi sa pakikitungo sa ibang tao.

 

TALABABA

[1] “A Short History of Human Rights,” United Nations Security Council Resolution 660 (Condemning the Invasion of Kuwait by Iraq), S.C. Res. 660, 45 U.N. SCOR at 19, U.N. Doc. S/RES/660 (1990)., accessed September 20, 2018, http://hrlibrary.umn.edu/edumat/hreduseries/hereandnow/Part-1/short-history.htm.

[2] “German-occupied Europe,” Wikipedia, August 24, 2018, accessed September 20, 2018, https://en.wikipedia.org/wiki/German-occupied_Europe.

[3] “Auschwitz Concentration Camp,” Wikipedia, September 19, 2018, accessed September 20, 2018, https://en.wikipedia.org/wiki/Auschwitz_concentration_camp.

[4] United States Holocaust Memorial Museum, accessed September 20, 2018, https://encyclopedia.ushmm.org/content/en/article/documenting-numbers-of-victims-of-the-holocaust-and-nazi-persecution.

[5] Ted Regencia, “Senator: Rodrigo Dutertes Drug War Has Killed 20,000,” GCC News | Al Jazeera, February 21, 2018, accessed September 20, 2018, https://www.aljazeera.com/news/2018/02/senator-rodrigo-duterte-drug-war-killed-20000-180221134139202.html.

[6] “The Power of Propaganda,” Facing History and Ourselves, accessed September 20, 2018, https://www.facinghistory.org/resource-library/teaching-holocaust-and-human-behavior/power-propaganda.

[7] The Editors of Encyclopaedia Britannica, “Mein Kampf,” Encyclopædia Britannica, August 30, 2018, accessed September 20, 2018, https://www.britannica.com/topic/Mein-Kampf.

[8] Editorial, “The Guardian View on Donald Trump’s Immigration Policy: Hateful and Wrong | Editorial,” The Guardian, June 19, 2018, accessed September 20, 2018, https://www.theguardian.com/commentisfree/2018/jun/19/the-guardian-view-on-donald-trumps-immigration-policy-hateful-and-wrong.

[9] Emily Shugerman New York, “Donald Trump Is the Worst US President in History, According to Nearly 200 Political Scientists,” The Independent, March 13, 2018, accessed September 20, 2018, https://www.independent.co.uk/news/world/americas/us-politics/trump-worst-president-presidential-greatness-survey-presidents-day-obama-george-washington-a8218721.html.

 

TALASANGGUNIAN
Teksto
United States Holocaust Memorial Museum. Accessed September 20, 2018. https://encyclopedia.ushmm.org/content/en/article/documenting-numbers-of-victims-of-the-holocaust-and-nazi-persecution.

“A Short History of Human Rights.” United Nations Security Council Resolution 660 (Condemning the Invasion of Kuwait by Iraq), S.C. Res. 660, 45 U.N. SCOR at 19, U.N. Doc. S/RES/660 (1990). Accessed September 20, 2018. http://hrlibrary.umn.edu/edumat/hreduseries/hereandnow/Part-1/short-history.htm.

“Auschwitz Concentration Camp.” Wikipedia. September 19, 2018. Accessed September 20, 2018. https://en.wikipedia.org/wiki/Auschwitz_concentration_camp.

Britannica, The Editors of Encyclopaedia. “Mein Kampf.” Encyclopædia Britannica. August 30, 2018. Accessed September 20, 2018. https://www.britannica.com/topic/Mein-Kampf.

Emily Shugerman New York. “Donald Trump Is the Worst US President in History, According to Nearly 200 Political Scientists.” The Independent. March 13, 2018. Accessed September 2 2018. https://www.independent.co.uk/news/world/americas/us-politics/trump-worst-president-presidential-greatness-survey-presidents-day-obama-george-washington-a8218721.html.

“German-occupied Europe.” Wikipedia. August 24, 2018. Accessed September 20, 2018 https://en.wikipedia.org/wiki/German-occupied_Europe.

Regencia, Ted. “Senator: Rodrigo Dutertes Drug War Has Killed 20,000.” GCC News | Al Jazeera. February 21, 2018. Accessed September 20, 2018. https://www.aljazeera.com/news/2018/02/senator-rodrigo-duterte-drug-war-killed-20000-180221134139202.html.

Editorial. “The Guardian View on Donald Trump’s Immigration Policy: Hateful and Wrong | Editorial.” The Guardian. June 19, 2018. Accessed September 20, 2018. https://www.theguardian.com/commentisfree/2018/jun/19/the-guardian-view-on-donald-trumps-immigration-policy-hateful-and-wrong.

“The Power of Propaganda.” Facing History and Ourselves. Accessed September 20, 2018. https://www.facinghistory.org/resource-library/teaching-holocaust-and-human-behavior/power-propaganda.

Mga Larawan
https://www.google.com.ph/search?q=gas+chambers+sa+holocaust&rlz=1C1CHZL_enPH809PH810&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjRmY_kycrdAhWByLwKHQVIAw8Q_AUIDigB&biw=1280&bih=579&dpr=1.5#imgrc=1sEajC1Pu3BbcM:

https://2static.fjcdncom/pictures/Du30+did+nothing+wrong+your+favorite+third+world+president+is_690235_6045143

Kaye Gigante FILI 12 O